Moalboal Escapade

#MorefuninMoalboal

By: Chiara Marie Enriquez

Screenshot_20171017_233627

Ang Cebu ay kilala sa maraming nagagandahang tourist spots. Bilang isang kabataan nais ko ring makapunta at makita ang mga magagandang tanawin na ginawa ng ating Diyos.

Isa sa mga magagandang tanawin dito sa Cebu ay ang Basdako, Moalboal. Pinakamahusay na kilala para sa mga beach at makulay na mundo sa ilalim ng dagat, ito ay isang hindi nagkakamaling weekend getaway para sa mga barkada o bonding ninyong magkapamilya. Ito ay may isang kilometrong lawak ng maputing buhangin na parang ikaw ay nasa Boracay. Nakapunta kami dito nuong Mayo 27-28 sa nakaraang taon. Nuong una hindi ko alam kung anu ang nakapaganda ng Moalboal na sobrang ikinasisiyahan nila pero nuong nakarating na kami sa Basdako talagang napa tigil ako sa paglakad dahil sa nakamamanghang tanawin.

Ang biyahe namin sa Moalboal ang isa sa mga memorableng bakasyon na aking napuntahan. Sobrang saya nuon walang ibang iniisip kundi ang magsaya lang at mag babad sa araw. Dito natin matatagpuan ang Pescador Island sa pamamagitan ng pag island hopping at habang papunta ka sa isla may makikita kang mga dolphin na sasabay ring lalangoy kung saan pupunta ang bangkang sinasakyan niyo.

This slideshow requires JavaScript.

Sa island hopping puwede ka ring mag scuba diving o mag snorkeling kung saan may marami kang makikitang ibat ibang klase sa isda at mabisita ang mga coral reefs na tinitirhan nila. Dahil sa bakasyong ito dito ako matutong lumangoy at nakapag snorkeling kasama ang tiyohin ko. Sobrang ganda nya dagat, napaka malinaw na malinaw at talagang maaliw ka sa mga isdang lumalangoy.

Screenshot_20171017_233813

Napakasulit ng aming bakasyon, marami akong natutuklasan at natatak sa isipan ko ang ingatan palagi ang kapaligirang biniyaya sa atin ng Diyos dahil walang makikinabang sa mga ito kung hindi tayo lamang mga tao. Mahalin natin ang ating inang bayan at papahalagahan ito.