Trip to Kawasan

#KawasanAdventure

By: Christian Landongan

This slideshow requires JavaScript.

Kawasan Falls ay matatagpuan sa Badian,Cebu. Ito ang pinaka tanyag na falls sa Cebu, malinis at may asul na tubig. Isa sa pinakamagandang natural wonders ng Cebu . Isa sa pinaka gusto ko sa lugar ay ang kanilang kalinisan. Pinuprotektahan ng mga tao ang kanilang tourist spot wala ka ng makikita kahit isang basura sa lugar. Makikita mo lang ay isdang lumalangoy sa kanilang mala Kristal at malinis na tubig.

Ang Kawasan Falls ay may tatlong waterfalls ito. Ang una ay ang pinakamalaki sa tatlo, at kadalasan dun nag pupunta ang mga torista at naliligo . At para maka punta sa pangalawa at pangatlong falls kailangan mag lakad ng labing limang minuto , Mas mabuting magdala nang pagkain dahil may kamahalan ang kanilang mga pagkain duon .

Ang popular na aktibidad gawin dito sa kawasan ay ang canyoneering. Magandang gawin ito kasama ang mga kaibingan kung saan ma eexperience niyo maglakad, umakyat, tumalon at lumangoy . Mas mabuti mag renta ng cottage sa lugar para may mapagpahingahan pagkatapos .

So ano pang hinihintay ninyu tara na sa Kawasan tayo’y mag saya at mamangha.