Puerto Princesa

#UndergroundAdventure

By: Hobert Pajantoy

Alam natin na kung magagandang lugar lang ang pag-uusapan ay hindi magpapahuli ang Pilipinas dahil ang ating bansa ay may mga iba’t-ibang naggagandahan na mga lugar na dinadayo ng mga turista katulad na lamang ng aking napuntahan sa palawan ang Puerto Princesa underground river.

received_2028175134070447received_2028174704070490

Laking tuwa ko na malaman ko na pupunta kami ng aking pamilya sa palawan at pagdating namin doon namangha talaga ako sa mga nakita ko na animoy parang paraiso ito sa kagandahan.Mga bundok, malinis na karagatan at, magagandang pasyalan ang bumubuo sa Puerto Princesa, pero ang talagang nagpamangha sa akin ay ang puerto princesa underground river. Sa labas pa lang nito ay napakagandang ng pagmasdan. Sa pagpasok namin ay mas talagang namangha ako sa aking mga nakita, binubuo ito ng iba’t-ibang hugis ng bato meron ding mga stalactites na tumutubo. Ang saya ko ng araw na iyon dahil sa magagandang tanawin na aking nakita gayundin ang pamilya ko.

received_2028175234070437.png

Maipapagmalaki talaga natin ang ating bansa dahil sa magagandang tanawin na matatagpuan dito isa na rito ang puerto princesa underground river, nais ko ulit makapunta dito at nagpapatunay lang ito na may mga natatagong yaman ang pilipinas na dapat natin ingatan para narin sa mga susunod na henerasyon.