Lakbay Tagaytay

#ExperienceAdventure

By: Mary Suzanne Ruaya

received_1835281846500527

 Ang tagaytay ay isang sikat na lugar sa Pilipinas na dinadayo ng mga turista, na matatagpuan sa parte ng luzon. Ang lugar na ito ay kilala bilang may malumanay na klima. Ang klima sa tagaytay ay katamtaman lng ang init at lamig, ngunit kapag umuulan ay kasing lamig nito ang klima sa Baguio. Kilala din ang Tagaytay bilang lugar na nasa ibabaw ng Taal Volcano. Isang aktibong bulkan na napapaligirang lawa na tinatawag na taal lake. Isa din iton sikat na holiday town sa Manila.

received_1835281849833860

Dinadayo din ang isang lugar sa tagaytay na maari mong dalahin ang iyong pamilya para mag picnic maglaro at iba pa. Ang lugar na ito ay Picnic Groove. Ang Picnic Groove ay sikat na pasyalan sa tagaytay dahil sa lugar na ito ang makakarelax ka talaga. Dito rin sa lugar na ito makikita mo ang view ng Taal Volcano at ang taal lake. Sa Picnic Groove ay may malawak din itong lupain na makakalaro ka kasama ang iyong pamilya at gumawa ng masasayang ala-ala.

received_1835281863167192.jpeg

Ang Picnic groove din ay dinadayo dahil marami itong pakulo na gustong gusto ng mga turista. Di lang ito sikat dahil sa view na makikita mo at sa malamig na klima. Kundi dinadayo din ng mga turista ang kanilang zip line na syang na nasubukan ko. Sa Zip line mamamangha ka dahil sa ganda ng view sa itaas at kitang kita mo rin ang taal volcano. May hanging bridge din sila na pumatok sa mga turista dahil rin sa view at desinyo nito, may cable car din para sa mga batang at sa matatanda na gustong makakita ng view sa itaas. Sa trip, experience at adventure ko sa tagaytay ang napakaganda, napakasulit, at higit sa lahat ay nakagawa ako ng mga ala-ala na hindi ko kailan man malilimutan.