Isla

#ByaheNiBossArchie

By: Archie Novo

 

This slideshow requires JavaScript.

Marami sa ating kababayan ang gustong makapunta sa iba’t ibang kapuluan para makita ang kagandahan ng mundong kanilang ginagalawan. Hingil sa kanilang kaalaman ay marami pang tinatagong kasaysayan ang lugar na kanilang tinatayuan. Ang paglakbay namin sa Masbate ang nakapukaw sa mga mata naming nakapikit sa kuwentong tinatago ng lugar na ito.

Hindi planado ang pagpunta namin sa isla ng Avila dahil pumunta lang kami ng Masbate para sa kasal ng tiyuhin ko. May nakapagsabi sa amin na may magandang isla dito kay napag-isipan namin na puntahan ito at magsaya doon. Masaya ang pag punta namin doon dahil kami ay nagkakantahan at nagbibiruan. Nang makarating na kami sa isla ay namahang kami sa aming nakita dahil sa sobrang linis nito at hindi masyadong tao. Napakatahimik dito at malinaw na malinaw ang tubig dagat. Hindi mali ang naging desisyon namin aa pag punta dito dahil sobra kaming nag-enjoy. Maraming pwedeng gawin dito sa isla, pwede kayong mag snorkeling dito at tingnan ang kagandahan sa ilalim ng dagat. Tumatak sa aming mga alaala ang lakbay namin sa masbate dahil sa pagpunta namin dito. Akala kasi namin na magiging boring ito pero mali ang akala namin dahil ito ay nagdulot ng saya sa amin.

Gusto man naming puntahan pa ang iba pang isla sa Masbate ay hindi na maaari dahil gumagabi na at kailangan na naming bumalik at umuwi na sa Cebu. Ang lakbay ko sa isla na ito ay isa sa mga masasayang araw sa buhay ko. Walang pagdadalawang isip na babalik ako dito para mas ma enjoy ko pa ang kagandahang binigay ng Poong Maykapal. Dito lamang magtatapos ang aking paglalakbay!