Bohol

#ChocoBohol

By: Antoneth Wenceslao

Hindi mawawala sa barkada, tropa, kaibigan o travel buddies ang pahirapan sa pagpla-plano nang isang lakad. Yung all set na at hinihintay na lang ang kinabukasan o ang araw ng pag-alis tapos biglang may magba-back-out dahil sa anumang kadahilanan. Sa kabilang banda, ibang kaligayahan naman ang madarama kapag natuloy ang matagal-tagal ninyong pinagplanuhang lakad.

Nadaanan namin ang isa sa mga lugar na hinihintuan ng mga motorista at turista dahil sa kakaibang ganda nito, ito ay ang Bilar Man-Made Forest (Bohol Man-Made Forest). Ito ay may haba na umaabot sa two (2) km sa pagitan ng Loboc at Bilar na puro Mahogany Trees ang nakatanim. Although, bago ka man makarating sa man-made forest ay may nag-e-exist na talagang natural forest sa nasabing lugar

Saglit lang ang naging pagbisita namin dito, tumawid lang kami sa tulay at bumili ng peanut kisses (One of the Best Bohol Treats). Hindi kumpleto ang Bohol Adventure kung hindi mo masisilayan ang Famous Chocolate Hills ng Bohol na matatagpuan sa bayan ng Carmen, Batuan at Sagbayan. May mahigit 1,260 hills o mga burol ang masisilayan. Tuwing panahon ng tag-init ang mga burol na ito ay nagkukulay brown kaya naman ito pinangalanang Chocolate Hills at tuwing tag-ulan naman ito ay nababalutan ng mga damo.

At syempre nakilala ang Panglao Island dahil sa white sand beaches nito katulad ng Boracay Island. Hindi katulad ng Boracay na sobrang crowded lalo na kapag peak season. Although, may mga resort na din dito at dinarayo na din ng mga turista ngunit pansin ko lang mas tahimik dito kumpara sa Boracay. May nightlife din dito pero iba pa din ang nightlife sa Boracay, party talaga dun eh.

Sulit ang naging bakasyon namin, madami akong natuklasan, natutunan at nakilala. Worth it ang gastos at pagod. Akala ko hindi ganun kasaya ang magiging karanasan namin dahil sa pinsalang tinamo ng Bohol sa matinding lindol at nasundan pa ng bagyo. Akala ko wala kaming daratnan na ikakaligaya namin pero akala ko lang pala ang lahat.